Sunday, December 05, 2004

A Dose Of My Own Medicine

I can describe myself as a sarcastic person. Hindi naman lagi pero most of the time. Ask me a stupid question and I'll come up with a smart-ass answer. Dapat lang naman di ba? Nakakaasar eh. Those who knew me personally understand that this is a normal way for me to talk, so minsan, I don't apologize for what I said and assume that the person I'm talking to would regard it as a joke.

Mali pala.

The other day was my nephew's birthday. So like any other birthdays, dapat may present na spaghetti. My older brother cooked enough, and I thought I don't have to indulge myself right into it (ang diet...) because there woould be more than enough to have for dinner.

Eh itong pasaway na younger brother ko, ginawang pulutan para sa inuman ng mga kabarkada nya. When I woke up, isang plato na lang ang natira at babaunin pa yun ng older brother ko sa work nya. Naghyperventilate kagad ako.

So when my younger brother arrived with an installer of Gunbound my older brother asked him to borrow, I took my chance to nag him.

"Bakit mo naman inubos yung spag? Ginawa mo pang pangpulutan. Parang ikaw ang may birthday ah."

So syempre deny naman yung younger brother ko. Marami pa daw. Sabay abot saken nung CD para maka-exit kagad saken.

"Anong marami? Tingnan mo nga. Ni hindi pa nga ako nakakakain eh. Isang plato na lang. Hirap sayo akala mo ikaw lang tao sa bahay. Inuuna mo pang pakainin barkada mo. Blah blah blah." (o di ba, nanay na nanay dating ko. Wehehehe.)

Pikon na younger brother ko pero tahimik lang sya.

"Blah blah blah blah... Anong gagawin ko dito sa CD?"

"Installer yan di ba? Kainin mo kung gusto mo."

Aba ang poota. Pinapataas ang blood pressure ko.

Buti na lang at naka-exit na yung younger brother ko bago pa kami mag-away. Ako naman, frustrated, thought of getting back at him by not allowing him to use the PC or touch any of my things (mahilig kasi sya manghiram at mangutang) for the rest of our lives. Mura na ako ng mura at sinusumpa ko na yung younger brother ko kung hindi lang ako pinigilan ng kuya ko.

So bago ko pa maisip na lasunin, ipapatay, ipasagasa, ipabugbog, sirain mga gamit nya, etc. etc. (hindi exaggerated yan, ganyan talaga ako magalit) sinubukan kong ilagay sarili ko sa kinatatayuan nya. Sinibukan kong maging sarcastic sa sarili ko.

Masakit pala.

So it's understandable na ganun maging reaction ng younger brother ko, lalo na't may chance sya at medyo malakas ang loob nya dahil nakainom.

Napaisip tuloy ako. Siguro ako dapat yung magbago. Palambutin ko dila ko and start saying nice things to everybody like an all around tourist guide or a technical support guy. I'll be more sensitive to what other's are thinking or feeling. Hindi na ako magiging nagger. Babawasan ko ang level ng sarcasm sa katawan ko. Magiging patient na ako sa mga taong pinanganak talaga para magtanong ng mga stupid questions.

In short, magiging mabait na ako. Tutal, magnu new year naman eh.

Me: Talaga?
Me: Hindi. Joke lang.

Wehehehe.

No comments:

Post a Comment

Be kind! :P