Friday, November 19, 2004

Kwentong V. Luna Uli

Pero bago yun, gusto ko lang ipagmalaki na naayos ko na commenting system ko. Sa Haloscan. Took me 5 minutes. Nashock lang ako ng konti sa YACCS. Wehehe.

So anyway, may kwento na naman ako. About Lola Eba. Lola Eba kasi umebak sya kanina sa bed nya. Wag kayong tumawa kasi seryoso 'tong kwento kong 'to. At dahil seryoso 'tong kwento na 'to, si Kitchie Nadal na naman ang ngumangawa sa background ko. Walang kinalaman ang kanta nya sa kwento ko. Trip trip lang.

So ayun nga. Ang haba ng intro ko no? Wehehe.

Dati, sinabi ko sa sarili ko na mas gusto kong mag-alaga ng matatandang pasyente kesa sa mga bata. Geriatric nurse baga. Ngayon, hindi na ako sigurado. Dati kasi yung mom (sniff... sniff...) ko ang inaalagaan ko. There was a time nga na nambugbog pa ako ng longkatuts dahil sa sobrang inis ko na ayaw nya akong tulungan linisan ang mother ko. Ngayon naunawaan ko na yung nararamdaman ng maid namin dati.

Mahirap mag-alaga ng hindi mo kamaganak or kakilala.

Back to my story, cubible B, bed 1, si Lola Eba ay dumumi. Wala syang kasama kasi yung bantay nya eh nag-bingo sa baba. So wala kaming choice kundi ang linisan sya. Yung choice na yun eh tumagal ng 30 minutes ata. Kumalat na ang dumi, wala pa rin gustong maglinis. Umaamoy na sa buong ward yung dumi pero wala pa ring gustong gumalaw. Sa loob loob ko, gusto ko na ako na. Pero ewan ko ba. Nag-inarte ako. Until naglakas loob na lang yung isa kong ka-duty na kumilos. Sunod na lang ako, assistant. Hinubad ko yung polo ko at nagsuot ng gloves at mask. 30 minutes din naming nilinisan yung pasyente. Matanda na kasi kaya mahirap igalaw tapos nahihiya pa sya dahil apat kaming lalaking nakapaligid sa kanya. Kala nya siguro eh niga-gang rape sya. Lagi nyang binababa yung duster nya kahit anong sabi namin na lalo syang madudumihan pag ganun. Yun lang.

Overrated no? Ang point naman kasi nitong entry na 'to eh hindi yung gaano kami nandiri habang nililinisan ang pasyente, kundi yung act na walang gustong maglinis sa kanya. Nalulungkot tuloy ako at nahihiya sa sarili ko. Alam kong kaya ko naman. Pero I chose not to take the initiative.

Ano kaya ang iniisip ng mother ko ngayon?

Waah. Nakukuryente tuloy ako ngayon. Nakokonsenya. Gusto kong mag-apologize, pero kanino? At dapat ba?

Kaasar. Hindi tuloy ako makatulog ngayon.

No comments:

Post a Comment

Be kind! :P