Wednesday, December 22, 2004

Puta Ka.

May istoker na naman ako. Wehehehehe. Ang saya. Tinanggal ko na yung comment box ko at tagboard ko. Binabalahura kasi eh. Dapat pala dati ko na 'to ginawa. Ang kulit mo kasi, Nei eh. Kala ko mawawala na sya pero andyan pa pala sya. Inaabangan lang ako. Pucha.

Eto lang masasabi ko sayo. Kung iniwan ka man ng boyfriend mo, bakit ako ang sinisisi mo? At nagkakalat ka pa ng kung anu-ano. Taga-UP ka pa naman.

Sa mga friendly frends ng istoker ko, hmmm. Tang-ina nyo. Nagmamalinis pa kayo. Wehehehe.

Ganda pa naman ng araw ko. Sinira nyo lang.

Buhay Uli.

Sixth Harry Potter Book Due Out in July. Harry Potter and the Half Blood Prince. July 16, 2005. Britain, US, Canada, Australia, New Zealand, and South Africa.

Syet, wala akong mga kamag-anak dun! Kainis.

>>o<<<


O di ba, kung hindi lang kay Harry Potter, hindi ako magpopost uli. Wehehehe. Kakatamad kasi. Wala nang pasok at wala nang makwento. Lagi lang ako dito sa bahay at naglalaro ng Neopet ko. Wehehehe. Hmmm. Ano pa ba?

>>>o<<<




Oo, nanood din naman ako kahit papaano. Masakit rin sa mata pag lagi ka nasa harap ng PC di ba? Wehehehe.

Kung natatandaan nyo, excited akong mapanood yung Birth. Kala ko kasi maganda. Maganda naman sya. Hindi ko lang sya naintindihan. Wehehehehehe. Sabi ng bebe ko, si Sean (yung namatay na asawa ni Nicole) talaga yung bata pero dahil lumabas yung lover nya, pinili na lang nyang bawiin yung mga sinabi nya. Sabi ko naman, talagang nagfi-feeling lang yung bata para makatakas sa reality nya (nabasa kasi nya mga sulat ni Sean). So nagkasundo na lang kami na open ended yung ending nya. Wehehehe. The movie was kinda dark and has a gloomy atmosphere. Napakabagal rin ng pacing nya kaya inantok lang bebe ko. Ito yung tipong movie na kailangan ikaw lang mag-isa ang manonood para hindi mag-gloat ang kasama mo at asarin ka. Wehehehehe.

Eto namang My Sassy Girl, pinanood ko kasama kapatid ko. Matagal ko nang naririnig 'tong My Sassy Girl and all the while, akala ko chinovela sya. This week ko lang nalaman na movie pala sya. Wehehehe. Sayang nga at yung younger brother ko yung kasama ko. Nagandahan kasi ako. Kinilig rin ako nang konti (konti lang). Astig kasi dito yung girl, and she's the type you'd want to bring home to your mom (or maybe not). Pero siguro in real life, kung ako dito yung lalaki, siguro matagal ko nang hinulog sa bangin yung babae. Wehehehe.

Dancer in the Dark. Hmmmmm. Hmmmm. Hmmmm. Tamang drama lang. I can't really say na maganda sya kasi may mga scenes akong nifast forward. Wehehe. Siguro dahil madaling araw na yun at inaantok na ako. May pagka-musical sya, and if you love Bjork (ako, hindi masyado. hindi ko nga kilala si Bjork eh. wehehehe), you'll really appreciate this movie. What I particularly love in this movie is the train scene (wherein nalaman na ni Jeff na bulag na si Selma) tsaka yung ninakaw ni Bill yung savings ni Selma at tsaka syempre yung pinapatay ni Selma si Bill (yun tipong pinapatay mo ang isang tao pero ayaw mo pero pinatay mo pa rin sya). Maganda rin siguro yung pinakahuling scene kung saan kumakanta si Selma bago sya binitay. Nifast forward ko nga lang kaya baka balikan ko na lang sometime.

>>>o<<<


Syempre dapat may say ako sa pagkamatay ni FPJ. Eto lang: Bilib din ako kay Susan Roces. Kalmadong kalmado. Gaano karaming Valium kaya ang iniinom nya simula nung namatay asawa nya. :)

Thursday, December 16, 2004

Bangag

Tuesday. 3pm-7pm ang class ko, nakauwi ako sa bahay ng 9pm tapos pasok uli ako para sa duty kong 11pm-7am.

Dumaan ako ng school para magbayad ng tuition pero sarado naman ang banko kaya babalik ako ng 1pm.

Dapat 2pm-10pm eh may make-up duty ako ngayon sa Burn Unit kasi nga binagyo ang last two days namin. Nagkaisa yung mga ka-group ko na wag nang pumasok kasi one hour after that, 11pm-7am ang duty namin sa OR. Parang nag 24-hour shift kami.

Haggard talaga.

Dugyot na dugyot akong kumakain sa McDonalds kaninang umaga habang yung mga kasabay ko eh mga bagong ligo pa. Gusto ko na lang maiyak.

Tapos lalablayp pa ako ngyon. Wehehehe.

Para na ako nitong Energizer bunny.

Wala lang. Ano pa ba? Walang kwenta talaga ang OR sa graveyard shift. Tapos may kasabay pa kaming taga ibang school. Nagtong-its lang kami at nag pusoy dos magdamag habang nagpapacute sa taga ibang school. Wehehe.

Hay.

Bye muna. Tsaka na lang ako blog hop.

Saturday, December 11, 2004

OR Diaries

Tagal ko nawala. Naghibernate kasi ako. Kakapagod kasi magduty eh. Tsaka lablyp. Wehehehe.

Anyway, sa operating room ng V.Luna naman kami na-assign ngayon. Graveyard shift. 11pm-6am. Nyemas. Akala ko masaya yun kasi last semester, na-aasign na rin ako sa isang graveyard shift na duty. Masaya lang pala kung sa lying-in kasi gabi-gabi eh may nanganganak. Sa operating room, parang ghost town. At kami ang mga multong hindi matahimik dun. Wala kasing pasyente. Syempre naman, sino bang mag-schedule ng operasyon ng madaling araw. Kaya ang inaasahan namin dun eh yung mga emergency cases. Eh wala naman. Kaya nung first night ng duty namin. Nag tong-its lang kami. Wehehe.

Eto ang masaya, kagabi, may naabutan kaming ongoing na operation. Craniotomy, excision of cerebral tumor. 2pm sila nagstart, at patapos pa lang sila nung dumating kami. Dahil naimpress samin yung staff at nagexert kami ng effort magscrub kahit patapos na at wala pa kaming clinical instructor, binigay na sa amin yung case. Circulating nurse ako. Wehehe.

Grabe. Nung una, hindi ko akalaing ulo yung inooperahan nila. Kala ko tiyan. Kung hindi ko lang alam na craniotomy yun. Tsaka naka-angla pa yung ulo nya. Parang ang sakit yata nun. Buti na lang under genral anesthesia sya. Wehehehe. Syempre may mga pics. Dalawa lang. Wehehe. Sterile kasi sa OR eh. Tasteless na kung tasteless, Pauli. Ehnongayon? Wehehe. Taken with my classmate's K700i. Kaya maliit lang. Enjoy.


Ang masama, dumating yung clinical instructor namin. At binawi yung case na binigay na samin nung staff. Hindi daw namin time yun kasi 2pm pa daw nagstart. Kakainis. Isang oras din akong tumayo dun sa loob ng operating room.

After that, wala na naman kaming ginawa, pero wala namang makatulog sa amin. Nagkwentuhan na lang kami. Anim na oras. Wehehe. Mula sa mga white, black at red ladies hanggang sa mga jokes na pang grade school, sa secret marriage nina Kristine at Diether, sa mga nude pics ni JV Villar, balik sa tikbalang, tiktik at engkanto, at kung paano ipapasok ang elepante sa loob ng ref in three steps.

Sana next week, magkapasyente na kami. Huhuhu.



Sunday, December 05, 2004

A Dose Of My Own Medicine

I can describe myself as a sarcastic person. Hindi naman lagi pero most of the time. Ask me a stupid question and I'll come up with a smart-ass answer. Dapat lang naman di ba? Nakakaasar eh. Those who knew me personally understand that this is a normal way for me to talk, so minsan, I don't apologize for what I said and assume that the person I'm talking to would regard it as a joke.

Mali pala.

The other day was my nephew's birthday. So like any other birthdays, dapat may present na spaghetti. My older brother cooked enough, and I thought I don't have to indulge myself right into it (ang diet...) because there woould be more than enough to have for dinner.

Eh itong pasaway na younger brother ko, ginawang pulutan para sa inuman ng mga kabarkada nya. When I woke up, isang plato na lang ang natira at babaunin pa yun ng older brother ko sa work nya. Naghyperventilate kagad ako.

So when my younger brother arrived with an installer of Gunbound my older brother asked him to borrow, I took my chance to nag him.

"Bakit mo naman inubos yung spag? Ginawa mo pang pangpulutan. Parang ikaw ang may birthday ah."

So syempre deny naman yung younger brother ko. Marami pa daw. Sabay abot saken nung CD para maka-exit kagad saken.

"Anong marami? Tingnan mo nga. Ni hindi pa nga ako nakakakain eh. Isang plato na lang. Hirap sayo akala mo ikaw lang tao sa bahay. Inuuna mo pang pakainin barkada mo. Blah blah blah." (o di ba, nanay na nanay dating ko. Wehehehe.)

Pikon na younger brother ko pero tahimik lang sya.

"Blah blah blah blah... Anong gagawin ko dito sa CD?"

"Installer yan di ba? Kainin mo kung gusto mo."

Aba ang poota. Pinapataas ang blood pressure ko.

Buti na lang at naka-exit na yung younger brother ko bago pa kami mag-away. Ako naman, frustrated, thought of getting back at him by not allowing him to use the PC or touch any of my things (mahilig kasi sya manghiram at mangutang) for the rest of our lives. Mura na ako ng mura at sinusumpa ko na yung younger brother ko kung hindi lang ako pinigilan ng kuya ko.

So bago ko pa maisip na lasunin, ipapatay, ipasagasa, ipabugbog, sirain mga gamit nya, etc. etc. (hindi exaggerated yan, ganyan talaga ako magalit) sinubukan kong ilagay sarili ko sa kinatatayuan nya. Sinibukan kong maging sarcastic sa sarili ko.

Masakit pala.

So it's understandable na ganun maging reaction ng younger brother ko, lalo na't may chance sya at medyo malakas ang loob nya dahil nakainom.

Napaisip tuloy ako. Siguro ako dapat yung magbago. Palambutin ko dila ko and start saying nice things to everybody like an all around tourist guide or a technical support guy. I'll be more sensitive to what other's are thinking or feeling. Hindi na ako magiging nagger. Babawasan ko ang level ng sarcasm sa katawan ko. Magiging patient na ako sa mga taong pinanganak talaga para magtanong ng mga stupid questions.

In short, magiging mabait na ako. Tutal, magnu new year naman eh.

Me: Talaga?
Me: Hindi. Joke lang.

Wehehehe.

Saturday, December 04, 2004

Wala Lang

Kahapon pa kami walang pasok. Dalawang araw na. Tapos Sabado't Linggo pa. Apat na araw! Ang saya! Kain-tulog-PC ang buhay ko ngayon. Kaya lumalaki na naman ang tyan ko. Wehehehe.

Hay. Wala makwento. Ay meron pala. Namatayan pala uli kami ng pasyente. Scroll down kayo three posts below. Si bed number 2, electrician with burns on the lower extremities. Namatay sya last Tuesday. Sa likod daw kasi lumabas yung kuryente. Hindi daw nakayanan yung sakit. Nagulat kaming lahat kasi last week lang eh ang sigla sigla pa nya. althopugh medyo feverish sya. Buti na lang Wala hindi kami nakaduty nung Tuesday kundi baka maexperience ko na yung magbalot ng pasyente. Post-mortem care. Yung tipong ako pa ang magsasara ng mata ng pasyente in case na namatay sya nang dilat ang mga mata. Naykupu. Ayoko nun. Baka mapanaginipan ko pa yun... Hay...

On a lighter note, hmmm.. malapit na Christmas. Ayoko ng Christmas. I don't remember when I ceased to care about Christmas na. Siguro nung namatay ang Mommy ko. Ewan. Basta.

Some Christmas blues.

Kuya: Dahil wala kayong pasok ngayon, maglinis tayo ng bahay at magdecorate na. Net, magsabit ka ng Christmas lights. Dianne, maglinis ka sa kwarto. Joseph, maglinis ka ng banyo. Nei, linisin mo ang sala, re-aarange mo yung sofa. Pagpalitin mo ng pwesto tapos ilagay mo yung center table sa gilid (eh di hindi na center table yun) tapos linisan mo Christmas tree at ipatong mo dun.

Me: Dami naman. Daya. Pwede bang wag na tayo mag Christmas tree? Wala naman papasok sa bahay natin eh.

So ako naman, hinanap ang Christmas tree sa garahe namin. Nyeta, ang hirap. Ang alikabok pa kaya ni-allergy ako. After twenty minutes, nakita ko rin ang Christmas branches. Branches dahil nawawala pa yung pinaka trunk nya. Ewan ko kung saan napunta. Napagalitan pa tuloy ako,

Ayoko talaga ng Christmas. Gusto ko lang yung mga regalo. Wehehehe.

As Claire Fisher of Six Feet Under would put it, "I'll be so glad when these fucking holidays are over."

Thursday, December 02, 2004

Burn Pics

As promised. Hay. December na pala. At ito pa ang ipopost ko. Wehehe. Masamang pangitain. Some may find these pics repulsive. Don't scroll down kung ayaw nyo ng mga medyo nakakadiring pics. Di bale, may reward naman kayo sa bandang huli pag tinuloy nyo. Wehehehe.








Para naman hindi masyado masira yung araw nyo. Wehehehe. Me and Mulan


Burn Babies. Wehehe.


Tuesday, November 30, 2004

Movies! Naadik na naman ako.


Kahit na binabagyo ang Manila ngayon, nakuha ko pa ring manood ng movie. Syempre, holiday kaya kailangang abusuhin. Wehehe. Hindi Alexander ang pinanood ko kasi baka maubos ang puwet ko kung uupo ako ng tatlong oras sa loob ng sinehan tsaka nadala na ako sa Troy kung saan sobrang nadisppoint ako. So National Treasure na lang. Okay naman sya although habang tumatagal ang movie eh yung The Da Vinci Code (which will star Tom Hanks nga pala. Syet, expected ko si Harrison Ford eh) ang iniisip ko. Sabi nga ni B, parang inunahan nang ipalabas. Basically, their plots are the same, may treasure, may clues na kailangang i-work out, may mga relunctant characters na nadadrag sa eksena at may mga masasamang loob na humahabol. Okay naman ang pacing pero mahirap na makarelate kung wala kang alam sa mga pinagsasabi nila. Ewan ko kung may historical basis yung movie. Basta, aabangan ko pa rin yung The Da vinci Code. Saving grace lang dito yung character ni Justin Bartha bilang Riley Poole.Astig kasi mga banat nya. Everytime na bumabanat sya eh tawanan mga tao sa sinehan. Yun lang. Wala naman akong kwentang magbigay ng movie review eh. Panoorin nyo na lang.


Of all the trailers na pinakita bago ipalabas yung movie, eto yung pinakanagustuhan ko. Birth is a story about a woman who became convinced that a ten year old boy is her dead husband's reincarnation. Astig. Mega May-December love affair 'to. Matawagan nga ang Bantay Bata. Nicole Kidman stars. Nyemas, iba na naman itsura nya dito. Para na syang si Bitoy kung magpalit ng itsura sa mga movies nya.

A Very Long Engagement naman is a story about a woman's search for her husband who disappeared from a war. Hmmm. Gusto ko 'tong panoorin kasi namimiss ko ang Amelie (same director and star) kahit na nabwisit lang ako sa pagpapakipot nya sa movie na yun. Yun lang. Hindi ko pa masyadong naga-grasp yung main plot ng 2046 pero nakakaintriga sya. Tungkol sa writer who wrote a novel about the future but in fact, wrote something about the past. (ano daw?!) Basta. Tapos andun pa si Zhang Ziyi (kahit di ko pinanood yung House of Flying Daggers). Wehehehe. Inaabangan ko nga rin yung memoirs of a Geisha nya.

Lintek. Daming links na nito. Wehehe.


Eto, I came across naman while searching for images dun sa tatlong movies sa taas. Beautiful Boxer is true story about a Thai kickboxer who fights so he can earn enough to undergo a sex change operation. Astig di ba. Pwede naman syang mag-Japan. Mga tao talaga... Wehehehe. i tried searching this one sa filmspotiing pero hindi gumagana yung website. Sayang. Sana meron sila dun.

Hay...Haba na naman nito. Sign off muna.

Saturday, November 27, 2004

Burn, lolo, burn

Hindi kami masyadong toxic kanina. Apat lang kasi yung pasyente. Napunta pa sa akin sakin yung isang baby na MGH (may go home) na. So prepare na lang ako ng discharge summary. Eh nagawa na pala yung discharge summary. So ayun. Muntik na akong tumunganga dun. Yoko pa naman ng ganun. Mas madali akong makatulog pag ganun. Aircon pa naman sa ward.

Tapos may dumating. 67 y/o male with electrical burn. Nag-aayos daw ng yero sa bubong nang madikit yung yero sa isang live wire. Buti na lang at nadisperse nung yero yung kuryente. 25% lang ang burn nya. Nadale forearm nya, yung upper back at right outer thigh. Pero grabe pa rin yung itsura. Mamula mula't medyo brown. Parang baked potato ng Wendy's. Tsarap. Favorite ko pa naman yun. Wehehe.

Hindi pa dapat ako ang naka-assign dun, eh dahil hindi ako masyadong busy, nagvolunteer na lang ako. Kailangan kasi namin paliguan si lolo para maging sterile sya bago ipasok sa ward. Nahiya pa nga sya nung una at ayaw maghubad, pero dahil wala naman syang magawa, ayun, napilitan rin.

So ayun, nilagay namin sya sa tub at pinaliguan ng betadine. Tumulong rin ako sa clinical instructor ko na maglagay ng gasa. Syet, nakakapagod. Nangawit ako sa kakaikot kasi nga upper back yung apektado. Tapos ang daming cream na nilalagay. Parang mayonaise. Eh favorite ko rin yun. Naglalaway tuloy ako habang ginagawa ko yung debridement. Wehehehe.

May mga pictures pala ako. Pero hindi ko alam kung paano ko ilalagay. Pag nagka-bluetooth na lang ako. Mahal kasi magsend ng MMS eh. Eight pics pa naman yun. Magastos. Wehehe.

O sya. Antok na ko. Di masyado exciting 'tong araw na to. Pero pagod ako. Hay...

>>>o<<<


Alam ko masama 'tong iniisip ko pero gusto kong makakita face to face ng isang severe case na burn. Yun bang human BBQ na.

Morbid.

Friday, November 26, 2004

Burn, baby, burn

Kahit na pinagdadasal ng mga tao dito sa bahay na sana wala akong masakyan at mastranded ako sa Avenida't mapick-up ng bading, nag-duty pa rin ako sa Jose Reyes. Ganyan ako kasipag. Wehehe. Actually takot akong magkaroon ng make-up duty kaya hangga't maaari, ayokong umabsent. So ayun, punta ako sa Jose Reyes for another 2-week duty.

Sa burn unit ako na-assign. So ang mga pasyente, syempre, burned. (Ang lalim!) Uhm...

Wala pa ako masyadong makwento kasi ni-orient lang kami. Takot siguro na mastranded yung clinical instructor namin kaya pinauwi kami nang maaga. Wehehe. Nilibot lang namin yung ward, nifamiliarize lang sa amin yung mga charts and other paperworks, yung medicines and supplies, yung rules and regulations, at eto, ang fun part, pinakilala kami sa mga pasyente. :) Apat lang ang census ng ward. Konti lang kung tutuusin pero wag daw kami magworry kasi dadami yun lalo na't December na't marami nang nagpapaputok.

Bed 1. Female. Burned ang upper extremities (arms). Sya daw yung nabalita sa Malabon na nagtangkang iligtas yung pamangkin nya sa sunog not knowing na nakalabas na pala yung pamangkin nya. Tunay na bayaning Filipino. Medyo pagaling na sugat nya kaya wala masyado kaming poproblemahin sa kanya except the bandaging tsaka yung dressing.

Bed 2. Male. Electrician. Syempre na-kuryente habang nasa poste. 30 feet ang kinabagsakan nya. Affected din yung lower extremities nya kasi dun napunta yung kuryente. Eto ang mahirap maging pasyente. Sabi ko kagad sa niassign na leader for tomorrow, "Please, wag mo muna ako i-assign sa bed 2. Parang awa mo na." Mahirap kasi eh. Matrabaho (a.k.a. nakakatamad) kasi. Eh first time ko, kaya kabado. Baka umbagin lang ako ng clinical instructor ko.

Bed 3. Baby. Anak ng pasaway na ina. Tama ba namang hayaang yakapin ng baby nya yung electric airpot? Ayun. Lapnos ang mukha't katawan. Kakaawa.

Bed 4. Baby rin. Anak rin ng pasaway na ina. Natapunan naman ng kumukulong tubig. Haler. Hindi ko ma-imagine kung paano mo accidentally na matapunan ang isang baby ng kumukulong tubig. Lalo na't sarili mong anak. Hay...

Meron pang isa pero hindi namin naabutan. 16 year old girl daw. Nagtrabaho sa isang carinderia. Natapunan ng isang bandehadong kumukulong sinagang na baboy. Ouch. Lapnos rin ang katawan. Syet. Nagkaroon na siguro sya ng sinigangophobia. Sarap pa naman ng putaheng yun. Wehehehe.

Hay. 2 weeks duty na naman. Iba-iba na namang pasyente. Hindi ko mapigilang maawa sa kanila. Sabi sa amin nung CI ko, burn unit is one of the most expensive ward to be in to. Kulang kulang na tumataginting na sampung libo ang bill sa isang araw. Eh, burns take months to heal. Grabe. Kaya kadalasan daw eh namamatay na lang yung ibang mga grabe na talaga ng sunog.

Kaya kayo, ingat-ingat lang. Wag maglaro ng apoy. Nakakamatay.

Tsaka magastos. :)

>>>o<<<


Oo, mahaba na 'tong post na 'to. Eh bakit ba? Aken naman 'to ah. Gusto ko lang isingit. naaliw kasi ako eh.


Oo, alam ko, last year pa 'to lumabas at huling huli na ako sa balita. Pero ngayon ko lang 'to nakita. Dumaan kasi ako sa Radio City para bilhan ng CD ang bebe ko. And I chanced upon this one. Tangna. Gusto kong gumulong sa sahig at tumawa. Ahehehe. Pop Lola. Ahahahahaha.

Sensya na. Naaliw ako eh.

At dahil mahaba na rin 'to, pahabain ko pa. Wehehe. Kanina, may nakasakay ako sa jeep. Matandang lalaki. Hithit sya nang hithit ng yosi. Hindi naman nababawasan. Kasi walang sindi. Nevertheless, hithit pa rin sya nang hithit. Ahehehe. Bagong breed yata ng mga smokers. Mga non-smoking smokers. Health-conscious baga. Ahehehehe.

Sensya na sa haba. Got carried away. Ahehehe.

Wednesday, November 24, 2004

Adik-adik


Waaah! Mukhang naadik na ako sa Gunbound! Panay kasi laro yung mga tao sa bahay dito. Buti na nga lang at hindi na katulad ng dati na halos hindi na ako makasingit para gumamit ng PC. Yung pamangkin kong kambal, tig-isa sila ng account, pati yung older brother ko meron rin. Dapat pala sumabay na ako sa kanila sa paggawa ng account last month. Ayoko namang gumawa ngayon kasi sa sisiw (tawag sa mga newbie kasi chick ang logo nila) ako mag-uumpisa eh yung mga kasama ko dito sa bahay eh wooden axe na. Kaasar. Nakikilaro na lang tuloy ako. Trip ko kasi gamitin yung Aduka at yung Grub. Wehehe. So kung Gunbound player kayo, and if you happen to chance upon felxxx, dianne1024 and 102484, malamang ako yun kaya kausapin nyo ako. Wehehehe.

>>>o<<<


Pero I think hindi ako ganun ka-adik sa larong 'to. Unlike nung katabi ko dito sa cafe, nagrent pa talaga ng dalawang PC para kalabanin nya sarili nya. Mandaraya. Nagpapataas siguro ng level. Hmp. Magaya nga. Wehehe.

>>>o<<<


Nakakaantok talaga siguro sa OR. Naglecture na naman yung clinical instructor namin kanina. Umupo na nga ako sa may dulo para in case na inantok ako, hindi na ako makita. Wehehehe. At ayun nga. Within a few minutes. nakasandal na ako sa katabi ko. Wehehe.

>>>o<<<



Oo, yan ang the world's best fries, Markus. Hindi yung sa Wendy's. Wehehe.

Adik na rin ako dito. Sa isang araw eh nakakatatlo ako nyan. Plus anim na order ng mayonaise. Syempre, may kasamang strawberry float. Wehehe. Tsarap tsarap! Pero sakit ng dibdib ko pagkatapos ko kumain. Lols.

Kailangang pigilan na 'to. Ang cholesterol... Buti na lang seasonal lang 'to. Wehehe.

Tuesday, November 23, 2004

Halo-halo


Napadaan ako sa Astrovision kahapon. And I chanced upon this VCD. I actually read about it na some months ago and heard that it was kinda like Cidade de Deus. At kahit hindi ko pa napapanood yung copy ko ng Cidade de Deus na inaamag na yata sa kwarto ko, binili ko pa rin. Parang narinig kong umaray ang bulsa ko. Syet. Kelan ko kaya mapapanood lahat ng movies na nakadisplay sa room ko. Ayoko kasing manood sa sala. Gusto ko solo lang akong nanonood para mas mafeel ko yung movie. Kaya sa Christmas, dapat may DVD-ROM na ako, ate ha? Wehehehe. :)

>>>o<<<


Kanina, ni-orient na kami ng clinical instructor sa mga procedure na gagawin namin sa operating room. Tinuruan kami ng wastong pagsuot ng sterile gloves at gown, at ni-familiarize namin ang aming mga sarili sa iba't-ibang set na gagamitin sa loob ng operating room, pati ang mga surgical instruments na kasama nito. Exciting di ba?

Well, para saken, hindi. Kasi throughout the course of his lecture and demonstration, hindi ko mapigilang humikab nang humikab nang humikab nang humikab nang.... teka, nakailang hikab na ba ako? Wehehe. Grabe. Kulang na lang eh magcollapse ako sa upuan ko. Ang bigat ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Feeling ko nga medyo nakaidlip ako kasi tinawag nya ang attention ko. Nasa harap pa naman ako nakaupo. Buti na lang hindi ako napagtripan.

Parang ayaw ko tuloy mapunta sa OR kasi baka makatulog lang ako. I remember one time (at band camp) eh nag-observe ako ng CS. Kahit na naaliw akong tingnan habang tinatahi ng doctor yung tyan ng babae, hindi ko mapigilang makatulog. Buti na lang at nakasandal ako sa classmate ko or else, yari ako sa clinical instructor ko.

>>>o<<<


Spanish 2 ko kanina. Leche naman at lagi akong tinatawag ng prof ko. Tama bang espanyulin ako nang derechahan (como si dice, Senyor Sevilla...), eh hanggang "como se llama?" at "donde eres tu?" lang ako. Wehehe. Asan na kaya yung mga notes ko last semester? Aargh.

>>>o<<<


Wala ako sa mood ngayon. Ewan ko kung bakit. Ayokong isipin na tinamad kagad ako magblog. Wag naman sana...

Sunday, November 21, 2004

Piktyur! Piktyur!

Tapos na ang rotation ng grupo namin sa V. Luna. And what's a better way to celebrate it? Dinner, kwentuhan at syempre, inuman! Masaya, pero mas masaya pa rin yung dati kong ka-grupo last semester. Kumpleto kaming nagdinner kagabi. Konting kwentuhan. Tapos apat lang kaming nag-inuman. Konti lang ang pictures ko. 28 lang. Wala na kasi yung mga camwhore kong mga kagroup dati eh. Sayang. Basta masaya pa rin kami kagabi. Hindi man ako nabangenge, ok pa rin. Share ko lang mga pics. :)


Syempre, pormal muna kasi andyan ang clinical instructor.



Half ng group namin. Nawawala kasi yung iba pag nagfaflash na ang camera.



Before shot. Hindi pa kami lasing nyan. With me are Troll and Bang.



Oo. Tama ang tsismis. Bading nga si Piolo Pascual. Wehehe. Bang and Mart here.



Oist. Adik. Hindi ah. Hindi ko kamay yan.



Medyo umeepekto na ang alak sa lagay na 'to. Wehehe.



Lalaki na si Piolo! Wehehehe.



Malapit na matupad pangarap kong maging porn star. Hehe.



Bago mag-uwian. Happy-happy pa rin kahit hilo na.



Yan lang muna. Sumakit mata ko sa kakasdit ng html codes ng mga pics. Wehehe. Hay. San next, next week, mas masaya. Although mahahati kami sa dalawang grupo uli. Kaming first five alphabetically, sa Burn Unit ng Jose Reyes maa-assign. Yung remaining five, sa Operating Room naman, V. Luna pa din. Waah! Sana sa OR na lang ako napunta. Hay. Tutulog muna ko. Sa susunod na lang uli.


Friday, November 19, 2004

Kwentong V. Luna Uli

Pero bago yun, gusto ko lang ipagmalaki na naayos ko na commenting system ko. Sa Haloscan. Took me 5 minutes. Nashock lang ako ng konti sa YACCS. Wehehe.

So anyway, may kwento na naman ako. About Lola Eba. Lola Eba kasi umebak sya kanina sa bed nya. Wag kayong tumawa kasi seryoso 'tong kwento kong 'to. At dahil seryoso 'tong kwento na 'to, si Kitchie Nadal na naman ang ngumangawa sa background ko. Walang kinalaman ang kanta nya sa kwento ko. Trip trip lang.

So ayun nga. Ang haba ng intro ko no? Wehehe.

Dati, sinabi ko sa sarili ko na mas gusto kong mag-alaga ng matatandang pasyente kesa sa mga bata. Geriatric nurse baga. Ngayon, hindi na ako sigurado. Dati kasi yung mom (sniff... sniff...) ko ang inaalagaan ko. There was a time nga na nambugbog pa ako ng longkatuts dahil sa sobrang inis ko na ayaw nya akong tulungan linisan ang mother ko. Ngayon naunawaan ko na yung nararamdaman ng maid namin dati.

Mahirap mag-alaga ng hindi mo kamaganak or kakilala.

Back to my story, cubible B, bed 1, si Lola Eba ay dumumi. Wala syang kasama kasi yung bantay nya eh nag-bingo sa baba. So wala kaming choice kundi ang linisan sya. Yung choice na yun eh tumagal ng 30 minutes ata. Kumalat na ang dumi, wala pa rin gustong maglinis. Umaamoy na sa buong ward yung dumi pero wala pa ring gustong gumalaw. Sa loob loob ko, gusto ko na ako na. Pero ewan ko ba. Nag-inarte ako. Until naglakas loob na lang yung isa kong ka-duty na kumilos. Sunod na lang ako, assistant. Hinubad ko yung polo ko at nagsuot ng gloves at mask. 30 minutes din naming nilinisan yung pasyente. Matanda na kasi kaya mahirap igalaw tapos nahihiya pa sya dahil apat kaming lalaking nakapaligid sa kanya. Kala nya siguro eh niga-gang rape sya. Lagi nyang binababa yung duster nya kahit anong sabi namin na lalo syang madudumihan pag ganun. Yun lang.

Overrated no? Ang point naman kasi nitong entry na 'to eh hindi yung gaano kami nandiri habang nililinisan ang pasyente, kundi yung act na walang gustong maglinis sa kanya. Nalulungkot tuloy ako at nahihiya sa sarili ko. Alam kong kaya ko naman. Pero I chose not to take the initiative.

Ano kaya ang iniisip ng mother ko ngayon?

Waah. Nakukuryente tuloy ako ngayon. Nakokonsenya. Gusto kong mag-apologize, pero kanino? At dapat ba?

Kaasar. Hindi tuloy ako makatulog ngayon.

Thursday, November 18, 2004

Samu't Sari

Ayoko talaga sa V. Luna. Kakaburaot! Kakabored! Nakakawalang ganang maging nurse. Buti na lang at andun si kras para pasayahin ang nababagot kong mundo. Tawagin nating syang Alwina. Bakit? Tanong ka pa, eh syempre kamukha nya si Alwina ng Mulawin (Ikaw nga ang syang hanap hanap....) Usap dito, usap doon, yun lang. Shy kasi ako eh. Wehehehe. Tsaka may asungot. Tawagin natin syang Troll. Troll, kasi mukha syang, well, uhm... troll. Wehehehe. Hindi ako nagbigay ng nickname nya ah. Yun talaga tawag sa kanya, siguro dahil medyo malaki mata nya at laging mulat. So ayun, hanggang tingin na lang ako. Tapos text ako sa bebe ko. (lagot!) Love you bebe ko...

>>o<<


Sa mga may cellphone na pede magkaroon ng .wav tone, meron ba kayong ringtone na "Crazy For You" originally done by Madonna pero lalaki ang kumanta? Astig eh. Gusto kong magdownload sa Kazaa. Sabi ng classmates ko pinoy artist daw yun at hula nila eh si Chito Miranda ng Parokya. An image of Chito Miranda na naka-killer bra ala Madonna at kumakanta ng Crazy For You entered my mind. Sagwa. Sana mali hula nila.

>>o<<


Ka-chat ko kanina si Markus. Nagreklamo na hindi daw sya makapagpost ng comment. Mahirap daw. Ako naman 'tong si edit ng comment system. Nagpunta ako sa YACCS at sinubukan maglagay ng independent commenting system. Sinubukan. Nyeta. Nahilo ako sa pag-edit ng mga kulay! Isang oras yata akong nag-edit edit bago sumuko at bumalik na lang sa comments ng Blogger. Kafrustrate talaga. Kaya tiis na lang muna kayo dyan. Antayin nyo na lang na mag Greymatter ako. Madali lang naman eh. Post anonymously na lang tapos lagay nyo na lang name nyo kasama ng comment nyo. Nagawa naman nung iba eh. Wehehe. Di ba, Jaja? Wehehe.

>>o<<


Kaasar mga tao dito sa bahay. Kung kelan sawa na ako kay Kitchie Nadal at sa kanyang Wag na Wag Mong Sasabihin, saka nila magiging paborito. Theme song kasi ng Lovers in Paris(?) na bagong chinovela ngayon. Ayun tuloy, buong umaga ngumangawa si Kitchie Nadal dito sa bahay. Pero in fairness, ngumangawa rin ako kasabay nya. Wehehe.

Oh oh oh oh wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang
ibigay kahit pa kalayaan mo

At sa gabi, sinong duduyan sayo?
At sa umaga, ang hangin na hahaplos sayo...


Nakanaman...

>>>o<<<


Meron pa pala akong kwento para sa V. Luna Chronicles. Nakalimutan ko pala si TC. Nope, hindi take care yan. Thoracentesis po. Yun bang bubutasan ka sa may lumbar area ata yun para i-drain ang tubig mo sa baga (pleural effusion). Nakakaawa talaga sya nun. Kahit nung anesthesia pa lang ang tinuturok sa likod nya, yung scene na makikita mo na sobrang higpit ng hawak nya sa kamay ng asawa nya habang umiiyak would break your heart. Kaya ako hindi ko nakuhang tumingin. Nagtext na lang ako. Wehehehe. Anyway kaya ko sya biglang naalala eh kasi dedo na sya kaninang umaga.

Oo. Namatay sya. Kasi nung ni-thora sya nung doktor last week, walang lumabas na fluid (dry tap). Naasar yata yung family. So nilabas sya sa hospital. Eh meron silang 19 years old na pamangkin na nanood pala nung procedure. Kaya nung nasa bahay na daw sila at biglang nahirapang huminga si TC, hindi na dinala sa ospital. Nagmarunong ang 19 years old na pamangkin at ni-thoracentesis ang auntie nya. At nagmalaki pang 2 liters na fluid ang nakuha nya. Ayun. Nagcollapse ang lungs ni TC at nagkaroon pa ng infection sa insertion site, na kinamatay nga ni TC.

Moral lesson: wag magmarunong. Nakakamatay.

Haba na naman nito. Sensya na.

Wednesday, November 17, 2004

V. Luna Chronicles

Gagawa dapat ako ng NCP (nursing care plan) na kailangan i-submit bukas. Kaso tinatamad ako. Walang pumasok sa utak ko maliban sa walang kamatayang "risk for infection" na nursing diagnosis. Kaya magne-neopets, este magbablog na lang ako. Hehehehe. Panira talaga sa pag-aaral 'tong blog. Hehe.

Dalawang semester na akong nagdu-duty. Naikot ko na ang V. Luna Hospital, Jose Reyes Memorial Hospital, Fe del Mundo Children's Hospital at dalawang lying-in clinics. Napunta na ako sa female medical ward, urology ward, male and female surgical wards, ob ward at delivery room. Sa lahat, sa delivery room ang pinakagusto kong naa-assign. Nope, hindi dahil sa mahilig ako sa fefe (and let me tell you, if you're a girl at once na nakakita ka ng fefeng nanganganak, hihilingin mo sa Diyos na sana naging lalaki ka na lang) kundi dahil ang sarap ng feeling pag pinapasok mo ang kamay mo sa fefe para hugutin ang bata. Wehehehehe.

Anyway, ang dami ko sanang kwento kung nagbablog ako the past 5 months. EH hindi, so better luck next time na lang. Meron pa naman kami lying-in clinics sa Murphy at Kamuning pero siguro hindi na ganun ka-exag like the first time I've seen it all. Hindi na shocking. Wehehehe.

Ngayon, sa V. Luna Hospital ako naka-assign, hindi ko alam kung saang ward kasi I ceased to care na. Yoko dun eh. Pansin ko lang na puro matatandang babae ang mga pasyente so malamang female medical ward yun. One epiphany that occurred to me on that ward was that ayoko talagang tumanda nang husto. Nyoko. Nyoko. Nyoko.

Take the case of Lola T. Lola T kasi meron syang T-tube (tracheostomy tube), tubo sa leeg, at dun na ata sya humihinga. Nilalagay yun para mas madaling makuha ang mga secretions sa throat mo. Everytime na gumagalaw sya at kailangan nya huminga ng malalim, the sounds that you'll hear are, "ngarag! ngarag! ngarag!" Okay hindi siguro "ngarag!" but it surely sounds like one. At dahil may lumalabas na hangin sa T-tube, yung mga secretions nya eh bumubula. To picture it out, imagine nyo na lang na gumagawa kayo ng plastic balloon, maraming kumpol kumpol na plastic balloon. Gross di ba? Napaatras nga yung isa kong kadutymate eh. Hehe. Eh we're trained pa naman not to show disgust over something and go like Carson Kressley (ng queer eye), Euww! Euww! Euww! (say that rapidly with matching facial expression) Hehe. Hay.

Si Lola Hermione naman. Lola H kasi para syang si Hermione nung napetrify sya sa book 2. Parang batong buhay talaga ang dating nya. Napaka stiff ng katawan nya na kahit nung binuhat namin sya para i-reposition, hindi man lang nagcurve ang body nya. Meron rin syang T-tube at NGT (naso-gastric tube), tubo sa ilong naman. Dun naman sya kumakain. The act of inserting it pa lang eh nakakapanghina na. Ano pa kaya yung nararamdaman mong may ga-cerelac na pagkain na dumadaan sa ilong mo. Ang hirap isipin. Tapos may edema (maga) pa sya sa both knees nya, so hindi nya kayang i-bend yun.

Nyeta. Ang haba na nito. Naaliw ako. Wehehehe. Sa susunod na lang uli. So far, eto lang namang dalawang 'to ang worth na isulat eh. Basta, ayoko talaga tumanda. Nyoko. Nyoko. Nyoko.

Nyoko talaga.

Monday, November 15, 2004

Back From Nowhere.

So... After 5 long months ng pamamahinga, ako ay nagbalik. Blogger na uli ako. Nagsawa na ako sa kakalaro dito. Oo, yan ang ginawa ko the last 5 months na nawala ako. Neopets, neopets, neopets. Eh natutong mag-Gunbound ang mga tao dito sa bahay, so naagawan na ako ng oras para maglaro. At inaasar nila ako na pambata daw ang site na yun kaya nawalan na rin ako ng gana. Minsan minsan na lang.

At dahil may mga taong nagtext saken na namimiss na daw nila ako, kaya ako nagdecide na magblog uli. Wehehehehe. Talaga lang.

Anyway, wala na akong masabi. Parang nashock uli ako sa mga html codes na ni-edit ko sa paggawa ng template na ito. Tatlong oras ang naubos saken sa pag-edit pa lang ng mga links ko na nangalahati since nung huli akong nagpost. So salamat sa lahat na nagretain ng link ko sa mga sites nila kahit alam kong tinatamad lang sila tanggalin ang pangalan ko dun. Hehehe.

Simple lang muna 'tong layout ko for now. Tiyaga muna ako sa template na to. Wala pa akong domain na malilipatan eh. Tsaka ko na lang aayusin yung ibang mga pages.

Tama na muna 'to for a first post. At sana, hindi uli ako tamarin. Sana lang. Ang hirap mag-edit ng html codes no!

Nyeta.