Gagawa dapat ako ng NCP (nursing care plan) na kailangan i-submit bukas. Kaso tinatamad ako. Walang pumasok sa utak ko maliban sa walang kamatayang "risk for infection" na nursing diagnosis. Kaya magne-neopets, este magbablog na lang ako. Hehehehe. Panira talaga sa pag-aaral 'tong blog. Hehe.
Dalawang semester na akong nagdu-duty. Naikot ko na ang V. Luna Hospital, Jose Reyes Memorial Hospital, Fe del Mundo Children's Hospital at dalawang lying-in clinics. Napunta na ako sa female medical ward, urology ward, male and female surgical wards, ob ward at delivery room. Sa lahat, sa delivery room ang pinakagusto kong naa-assign. Nope, hindi dahil sa mahilig ako sa fefe (and let me tell you, if you're a girl at once na nakakita ka ng fefeng nanganganak, hihilingin mo sa Diyos na sana naging lalaki ka na lang) kundi dahil ang sarap ng feeling pag pinapasok mo ang kamay mo sa fefe para hugutin ang bata. Wehehehehe.
Anyway, ang dami ko sanang kwento kung nagbablog ako the past 5 months. EH hindi, so better luck next time na lang. Meron pa naman kami lying-in clinics sa Murphy at Kamuning pero siguro hindi na ganun ka-exag like the first time I've seen it all. Hindi na shocking. Wehehehe.
Ngayon, sa V. Luna Hospital ako naka-assign, hindi ko alam kung saang ward kasi I ceased to care na. Yoko dun eh. Pansin ko lang na puro matatandang babae ang mga pasyente so malamang female medical ward yun. One epiphany that occurred to me on that ward was that ayoko talagang tumanda nang husto. Nyoko. Nyoko. Nyoko.
Take the case of Lola T. Lola T kasi meron syang T-tube (tracheostomy tube), tubo sa leeg, at dun na ata sya humihinga. Nilalagay yun para mas madaling makuha ang mga secretions sa throat mo. Everytime na gumagalaw sya at kailangan nya huminga ng malalim, the sounds that you'll hear are, "ngarag! ngarag! ngarag!" Okay hindi siguro "ngarag!" but it surely sounds like one. At dahil may lumalabas na hangin sa T-tube, yung mga secretions nya eh bumubula. To picture it out, imagine nyo na lang na gumagawa kayo ng plastic balloon, maraming kumpol kumpol na plastic balloon. Gross di ba? Napaatras nga yung isa kong kadutymate eh. Hehe. Eh we're trained pa naman not to show disgust over something and go like Carson Kressley (ng queer eye), Euww! Euww! Euww! (say that rapidly with matching facial expression) Hehe. Hay.
Si Lola Hermione naman. Lola H kasi para syang si Hermione nung napetrify sya sa book 2. Parang batong buhay talaga ang dating nya. Napaka stiff ng katawan nya na kahit nung binuhat namin sya para i-reposition, hindi man lang nagcurve ang body nya. Meron rin syang T-tube at NGT (naso-gastric tube), tubo sa ilong naman. Dun naman sya kumakain. The act of inserting it pa lang eh nakakapanghina na. Ano pa kaya yung nararamdaman mong may ga-cerelac na pagkain na dumadaan sa ilong mo. Ang hirap isipin. Tapos may edema (maga) pa sya sa both knees nya, so hindi nya kayang i-bend yun.
Nyeta. Ang haba na nito. Naaliw ako. Wehehehe. Sa susunod na lang uli. So far, eto lang namang dalawang 'to ang worth na isulat eh. Basta, ayoko talaga tumanda. Nyoko. Nyoko. Nyoko.
Nyoko talaga.
dyakks to...ehehehe..
ReplyDeleteayaw mong tumanda? magyosi ka ng magyosi..inom ka alak araw araw..mag droga ka..di ka tatanda..mamamatay ka ng bata..ehehehe..=P
ang aga mo magcomment ha. kakapost ko pa lang nitong entry na to ah. hehehe.
ReplyDeletenatawa naman ako sa descriptions mo sa mga patients mo... :P
ReplyDelete-cnb
hehehe.. wala pa ring pinag bago, hanggang ngayon benta ka pa rin.. komedi ka pa rin. haay, buti ka pa.. mas lalong nagdevelop ang sense of humor mo. ako nawala. kainis. dala siguro ng pagkakaroon ng labidabs, naging madrama ang mga hirit ko. haaay! welcome long lost bro! whehehe --lucky
ReplyDeletehey! great blog ah.. made me laugh! hehehehe... sa fefe pala masarap ah! hahahaha... gonna drop by from time to time...
ReplyDelete