Sa mga may cellphone na pede magkaroon ng .wav tone, meron ba kayong ringtone na "Crazy For You" originally done by Madonna pero lalaki ang kumanta? Astig eh. Gusto kong magdownload sa Kazaa. Sabi ng classmates ko pinoy artist daw yun at hula nila eh si Chito Miranda ng Parokya. An image of Chito Miranda na naka-killer bra ala Madonna at kumakanta ng Crazy For You entered my mind. Sagwa. Sana mali hula nila.
Ka-chat ko kanina si Markus. Nagreklamo na hindi daw sya makapagpost ng comment. Mahirap daw. Ako naman 'tong si edit ng comment system. Nagpunta ako sa YACCS at sinubukan maglagay ng independent commenting system. Sinubukan. Nyeta. Nahilo ako sa pag-edit ng mga kulay! Isang oras yata akong nag-edit edit bago sumuko at bumalik na lang sa comments ng Blogger. Kafrustrate talaga. Kaya tiis na lang muna kayo dyan. Antayin nyo na lang na mag Greymatter ako. Madali lang naman eh. Post anonymously na lang tapos lagay nyo na lang name nyo kasama ng comment nyo. Nagawa naman nung iba eh. Wehehe. Di ba, Jaja? Wehehe.
Kaasar mga tao dito sa bahay. Kung kelan sawa na ako kay Kitchie Nadal at sa kanyang Wag na Wag Mong Sasabihin, saka nila magiging paborito. Theme song kasi ng Lovers in Paris(?) na bagong chinovela ngayon. Ayun tuloy, buong umaga ngumangawa si Kitchie Nadal dito sa bahay. Pero in fairness, ngumangawa rin ako kasabay nya. Wehehe.
Oh oh oh oh wag na wag mong sasabihin
na hindi mo nadama itong pag-ibig kong handang
ibigay kahit pa kalayaan mo
At sa gabi, sinong duduyan sayo?
At sa umaga, ang hangin na hahaplos sayo...
Nakanaman...
Meron pa pala akong kwento para sa V. Luna Chronicles. Nakalimutan ko pala si TC. Nope, hindi take care yan. Thoracentesis po. Yun bang bubutasan ka sa may lumbar area ata yun para i-drain ang tubig mo sa baga (pleural effusion). Nakakaawa talaga sya nun. Kahit nung anesthesia pa lang ang tinuturok sa likod nya, yung scene na makikita mo na sobrang higpit ng hawak nya sa kamay ng asawa nya habang umiiyak would break your heart. Kaya ako hindi ko nakuhang tumingin. Nagtext na lang ako. Wehehehe. Anyway kaya ko sya biglang naalala eh kasi dedo na sya kaninang umaga.
Oo. Namatay sya. Kasi nung ni-thora sya nung doktor last week, walang lumabas na fluid (dry tap). Naasar yata yung family. So nilabas sya sa hospital. Eh meron silang 19 years old na pamangkin na nanood pala nung procedure. Kaya nung nasa bahay na daw sila at biglang nahirapang huminga si TC, hindi na dinala sa ospital. Nagmarunong ang 19 years old na pamangkin at ni-thoracentesis ang auntie nya. At nagmalaki pang 2 liters na fluid ang nakuha nya. Ayun. Nagcollapse ang lungs ni TC at nagkaroon pa ng infection sa insertion site, na kinamatay nga ni TC.
Moral lesson: wag magmarunong. Nakakamatay.
Haba na naman nito. Sensya na.
wahehe! bagay sa kanta ni denmark,.. yung wag kang papantot! nangingielam, namamatay tuloy,. hay!
ReplyDeleteeh ano tawag dun sa tubo na nilalagay sa tagiliran, tapos me sahod na plastci, tapos dun napunta yung excess na dugo mula sa pagkaopera?! hay! naranasan ko yun ha! inoperahan ka na me nakasaksak pa sa tagiliran mo! hmppp!
lagot ka sa bebe mo! alam nya batong blog mo?! hehehe!
anyway,! ingat!
rose of decembersky :)