Wednesday, April 13, 2005

Dyok Tym Agen.

Eto naman napulot ng classmate ko sa kakapanood nya ng Full House sa GMA 7. Para naman masaya, kayo na lang magdagdag ng Nyak! Nyak! NYak! pagkatapos ng bawat joke. :P

Q: Anong puno ang hindi mo pwedeng akyatin?
A: Eh di yung natumba...

Q: Paano mo malalaman kung babae o lalaki ang nasa loob ng CR?
A: Eh di antayin mong lumabas...

Q: Anong pwede mong gawin sa gabi na hindi mo pwedeng gawin sa umaga?
A: Eh di magpuyat...

LOL. Tang ina.

Tumatanda na ako. Kaka-22 ko lang kahapon at eto, lalo akong kumo-corny. Batiin nyo naman ako. Hehe.

At syempre, paano ko ni-celebrate ang 22nd betday ko kahapon? Nasa operating room ng Jose Reyes Hospital, nakatayo for four hours. Nag scrub nurse kasi ako para sa isang minor operation. Pucha. Hindi ako nakakain ng mabuti kasi nakita ko habang hinihiwa ng doktor yung binti ng pasyente pasyente para ayusin yung Achilles tendon na napunit. 7am-11am yun. Bago pa nun, habang papasok na kami ng operating room, eh di binabati ako ng mga classmates ko ng hapi betday, at binati naman kami ng operating ng isang taong nakabalot. Death due to a stab wound. saya di ba? 2pm kami pinalabas. Pagdating ko sa bahay, bagsak kagad ako sa kama ko. 6pm eh may date sana ako with my bebe kaso hindi ko na lang tinuloy kasi sobrang pagod talaga.

So ayun, 22 na ako at tulog ako ng kalahating araw.

Ang saya ng buhay.

Saturday, April 09, 2005

Can't Take My Mind Off You.



Watched Closer earlier. What can I say? Ang ganda ni Natalie Portman! LOL. Seriously, nagandahan ako sa film. Too bad, I can't write film reviews the way Markus can. Pero I'm telling you, maganda yung film. Masalita nga lang talaga sya so some people may find it boring. Basta. The best film I've watched so far this year. To think that I've wanted to watch The Spongebob Squarepants Movie kundi lang ako pinilit ng bebe ko. LOL.

Some quotable quotes that I really liked. (Taken from IMDB)

Alice (Natalie Portman) on Anna's (Julia ROberts) photo exhibit:

It's a lie. It's a bunch of sad strangers photographed beautifully, and... all the glittering assholes who appreciate art say it's beautiful 'cause that's what they wanna see. But the people in the photos are sad, and alone... But the pictures make the world seem beautiful, so... the exhibition is reassuring which makes it a lie, and everyone loves a big fat lie.

Larry (Clive Owen):

Ever seen a human heart? It looks like a fist wrapped in blood.

Conversation between Dan (Jude Law) and Alice:

Dan: Didn't fancy my sandwiches?
Alice: Don't eat fish.
Dan: Why not?
Alice: Fish piss in the sea.
Dan: So do children.
Alice: Don't eat children either.


And the best. Conversation between Larry and Anna:

Anna: We do everything that people who have sex do!
Larry: Do you enjoy sucking him off?
Anna: Yes!
Larry: You like his cock?
Anna: I love it!
Larry: You like him coming in your face?
Anna: Yes!
Larry: What does it taste like?
Anna: It tastes like your's but sweeter!
Larry: That's the spirit. Thank you. Thank you for your honesty. Now fuck off and die, you fucked up slag.


Da ba? Lol.

And oh yeah, before I forget, look for the soundtrack, especially The Blower's Daughter by Damien Rice. Nakukuryente ako pag pinapakinggan ko. Oo, nagkapagdownload na kaagad ako. Hehe. And while you're at it, download Cannonball too. Damien Rice din. Kaka-kuryente... :)

Thursday, April 07, 2005

New Look.

Oo, kulay tae na kung kulay tae. Walang pakialamanan! :P May kwento 'tong layout na 'to. Pero saka na lang. Kaya lang naman ako nagpost eh dahil dito:



Gusto kong bumili ng kopya!! Huhu. Kahit nadisappoint ako sobra sa Twisted Flicks, mahal ko pa rin si Jessica Zafra. Maganda kasi yung Twisted 6 kahit papano. Hahalughugin ko talaga lahat ng National Bookstore na alam ko. Hehe. Kaso dukha ako ngayon summer. :(

Bebe? Buy mo naman me ng copy... Lol. Joke lang. Naisip lang kita. :) Miss you.

Wednesday, April 06, 2005

Dyok Tym.

Personally told to me by my brother who heard it from ABS-CBN's Wowowee(?).

Q: Sino ang pinakamaliit na artista sa Pilipinas?
A: Fernando Poe Jr. Kasi, "Kahit butas ng karayom, papasukin ko."

Q: Eh sino naman ang pinakamalaking artista sa Pilipinas?
A: Sharon Cuneta. Kasi, "Pasan ko ang daigdig."

LOL.

I need a life. Seriously.

Friday, April 01, 2005

Marunong Akong Magbasa.



The first two I borrowed from Majoy and Bob. I bought Veronika Decides To Die a long time ago but only managed to read it just now. Oo. Kasi sobrang walang magawa sa bahay. As in wala. At hanggang April 11 akong ganito. Help me God.

Saturday, March 26, 2005

Miss-ery.

I missed posting sensible entries. I missed being able to write whatever I want without having to consider other people's feelings. I missed my former links who made blogging something I often looked forward to. I missed making my self dizzy with HTML codes whenever I want a new layout. I missed tagging at everyone's tagboard, really meaning what I've posted. I missed the anonymity I felt when I first started blogging.

I missed my old sick mad world.

:(

Tuesday, March 22, 2005

Warning: Medyo Bastos.

Lol. Wala lang. Gusto ko lang i-share. Natatandaan nyo yung isdang parang may bayag sa ulo na 35,000 pesos (see March 5, 2005 post)?

Tite na sya ngayon. LOL!





Sensya na...

Monday, March 21, 2005

Friendster-Friendly Ako Ngayon.

Ngayon lang. Di na mauulit. Wehehehe. :) I'm beginning to think na gawing photo album na lang 'tong blog na to, and then will create a new blog which will be safe from istokers and the like. :P Just thinking...


For someone who hates Friendster



Isa pa.



Mulan and I.



Kaya wala kaming nagagawa...



One more year with my group, Intsik na rin ako.



Tsarap tsarap...

Saturday, March 12, 2005

Pictures Atbp.

Bangag ako ngayon. Tatlong araw na akong walang tulog. Totoo. Tatlong araw. Tatlo. Kaya nyo yun?

Finals na kasi. At kailangan magpakitang gilas para hindi bumagsak. Huhuhu. Dugyot na dugyot ang dating ko pag pumapasok ako ng duty.

Yun lang. Bwehehehe. Wala ako sa mood magkwento kaya pic pics na lang. :) These are taken when Majoy, Franz, Zel, and I went to AFP theater to hear Bo Sanchez. Sayang nga at wala kami gaano pictures kasi camera shy si Franz. Kaasar nga eh.

Eyebags ko, naghuhumiyaw.


Maikli kasi kamay ni Zel eh.


Parang namumukhaan ko yung shirt na yan ah...


Sa Gonuts Donuts Araneta. Tsarap tsarap.


Mahiyain talaga si Franz eh.


Yan lang. Tagal magload eh. :)

One more thing, I've been listening to Rivermaya's 214 all day long the past three days. I don't know why, pero kada harap ko sa PC ko, yun ang pinapatugtog ko, nothing more. And I usually stay in front of the PC for at least 4 hours. Paos na nga si Bamboo eh. :P

Sunday, March 06, 2005

I'm Now A Semi-Believer.

Seryoso 'tong entry na 'to. You've been warned. :)

I've done something today that I thought I'll never do unless it's the last thing I'll ever do in my life. No, it's not something really evil (ganun ba ako ka-predictable?), rather, it's something good, divinely good.

Nahatak ako para umattend ng isang prayer meeting. Waaaaah! Lol.

Hindi naman sya prayer meeting, but I don't know what to call it kaya prayer meeting na lang kuno. Hehe.

So anyway, yun nga. I've been invited (forced would seem to be an exaggerated one) by my good friends (meaning meron akong evil ones) to join them at AFP theater and listen to Bo Sanchez (You Can Make Your LIfe Beautiful, Your Past Doesn't Define Your Future, etc..), and hear a mass (insert shocking sound effects here) afterwards.

Don't get me wrong. I love Bo Sanchez. I've already read most of his books and I really enjoyed them. But to go on one of his talks is a different story.

Images of El Shaddai fanatics crammed into my brain. Singing aloud, with eyes closed, both hands up in the air, sweating profusely without giving a damn, face contorted, lost in a frenzy that only die hard religious groups can bear, and actually doing it would be the worst nightmare of my life.

So ayun nga. I'm already inside the theater, anticipating. Tumunog ang drums, may nagpluck na ng gitara. At yung babaeng nasa harap namin started raising her right arm into the air. Inaykupo...

Then the singing started. Ayos naman. The music was kinda upbeat, not the usual Pabasa-mode. The lyrics were great (too bad i don't remember most of them), and I found myself reading through the lyrics that was flashed through a projector. A light bolt of electricity ran up to my spine, and as one song followed another, the bolt of electricity in my body heightened. I actually enjoyed it, although both of my arms are plastered on my chest while the rest of the people are either had their hands up, or clapping with the tune. Feeling ko out of place ako. Para akong kawayan (isang malapad na kawayan) na tuwid na tuwid na nakatayo dun.

Then Bo Sanchez delivered his talk. Titled "No Place Too Low For God", he talked about how God loves you for merely existing. You don't have to be good, do good, think good for God to love you. By merely acknowledging the fact that He is there is enough. He also talked about how our parents and our religious leader define our image of God. He said that our lives won't change if our image of God wont change, because we become the God that we adore!!! (Nei, ikaw ba yan?!) I was mesmerized while he did the talk. Just like in his books, he tells it through funny anecdotes, and which such energy that you wouldn't be bored, rather, it would make you clamoring for more.

He also talked about Hosea, a prostitute who was loved by her prophet-husband eventhough she wronged him many times. I'd love to share her story pero tinatamad ako. Saka na lang. Basta sobrang nakakatuwa (the way Bo told it) and sobrang nakakatouched ang message nya.

Ang haba na nito, but I'm yet to bring my point. Paano ba?

I don't deny that I was touched by the talk. But still, walls covered from fully accepting God (I'm your so-called atheist kuno). I still have my inhibitions to fully accept him. Maybe it's pride, I don't know, or maybe I just don't want to be vulnerable. I really don't know what to say. So far, I've been doing good without God's help (wag sana ako kidlatan), and I'm happy without him for now. When I fail at something, I only blame myself, and whenever something good comes my way, I give myself the credit. God is only a state of mind. Waah. Feeling ko kasalanan na 'tong pinagsusulat ko, so I should better stop. Saken na lang yun. At least you have an idea of what my spiritual side looked like. And attending prayer meetings like these disrupt my idea of living in peace. It makes me think. And think and think. I don't wanna think. Hay...

Tama na. Continue ko na lang 'tong post next time. :)

Wednesday, March 02, 2005

Sari-sari.


Oo, wala lang ito. I was browsing through old issues ng mga newspaper na hiniram ng niece ko para sa project nya and I came across a picture of Marcia Cross holding a SAG award for best ensemble in a comedy series.

Wala lang. Naalala ko lang sya bilang Dr. Kimberly Shaw sa Melrose Place. She's my favorite charater in my all-time favorite series, especially when she blew up the apartment comnplex at the end of season two. Grabe talaga. Asteeg.

Ngayon, inaabangan ko na 'tong Desperate Housewives. First impression ko eh another Sex and the City wannabee 'tong series to. Tapos nagbasa-basa ako ng mga reviews and okay naman daw. Too bad hindi sya HBO product so siguro malabong mapalabas sya dito. Kaasar. Alam ko, after Carnivale, Angels in America naman ang susunod na ipapalabas ng HBO. Well, i don't have to watch it anymore kasi may kopya ako ng buong six chapters nun na ni-pirate pa ng sister ko mula sa internet. Bwehehehe. Papapirate na rin kaya ako ng series ng Desperate Housewives? Hmm...


Would you believe na 35,000 pesos ang isdang mukhang may bayag sa ulo na yan?! Wala lang. Naghihinayang lang kasi ako sa pera ng classmate ko when he showed us his collection of fishes. Pan-tuition fee ko na yun for one whole semester. Nyehehehe. Pero asteeg yun mga isda nya ah. Champion breed. At sumusunod sa galaw ng daliri ko. Kulang na nga lang eh patalunin ko sya palabas ng aquarium. Nyehehe.


Hangkyut no?!!!! Nyehehehe. Nabili ko nung napadaan ako sa Morayta. :) 60 pesos sya at feeling ko nadaya pa ako sa lagay na yun. Pero okay lang. hangkyut nya kasi eh. :)

Friday, February 25, 2005

From Nowhere.

Uhmm.. Hi. Kilala nyo pa ba ako?

Ako si Nei. At eto ang blog kong naghihingalo na.

Wala na kasi akong makwento. Laging bored. At wala nang gana. Kailangan ko ng Revicon.

I've been off the net these past few weeks, kasi natuto na uli akong magbasa.



Chapter 28 pa lang ako kaya di ko pa alam yung pinaka kwento nya, and as if naman na babasahin nyo 'to so hindi na ako magpapagod magtype para i-urge kayong bumili ng copy.

Newsflash. Hindi na rin pala ako ng naglalaro ng Neopets. Nahack kasi ang main account ko, kasama ng email address ko. Oo, wala na yung nei_sevilla@yahoo.com ko and I don't think makukuha ko uli yun kaya pwede nyo nang baluhurain yun, ha, istoker?

Ngayon, nasa gmail na ako, at meron pa akong 45 invites left. Email nyo na lang ako kung mahulaan nyo email address ko. Hehe. Madali lang naman eh. Try nyo. :)

Siguro ngayon makakapagconcentrate na ako sa blogging. Kasi eto na lang naman ang option ko eh.

As of now nga eh nagpapagawa na ako ng layout ke Bob. Magkakaroon na kasi sya ng PC kaya pwede na sya gumawa. :)

Ano pa ba?

I'm planning to make major changes in this site, or siguro palitan ko na na nang tuluyan so I can assume a new identity uli. Ewan ko. Blog hop na nga lang muna ako.

Monday, January 24, 2005

Wala Talaga Akong Maisip Na Title.

Hello. Wala lang. Wala akong masabi. Gusto ko lang magblog para naman magkaroon ng entry 'tong site na 'to.

Gusto kong magdrama, pero tinatamad ako magkwento.

Dati, sinasabi ko na kailan ma'y hindi ako magsasawa sa pagbablog. Passion ko kasi ang pagsusulat. NGayon, hindi na ako sigurado. Gusto ko na ngang isara 'tong sickmadworld, hindi ko lang magawa. Kahit papano may sentimental value pa rin 'tong site na 'to para sakin so I guess yun na yung dahilan kung bakit humihinga pa 'tong site.

Lagi akong online, sa Neopets nga lang. Siyam na oras kada araw or mas matagal pa kung magbabad ako dun. Ewan ko ba. Sabi nga ni Bob, wala naman akong napapala kahit 24/7 akong naglalaro dun, pero sige pa rin.

Kung wala ako sa harap ng PC, malamang nasa school ako or sa hospital. For this week, nasa lying-in kami. Paanakan. Puro fefe na nanganganak na naman tumatambad sa mukha ko. Pero hindi na ganun ka-exciting. Wala nang thrill. Ang amin na lang eh sana matapos nang manganak yung nanay para magkaroon kami ng case. Wala nang piktyur-piktyur. Doon ko lang narealize na kajologan ang maging excited sa isang bagay dahil first time mo at kailnangan mo pang kumuha ng picture. Ewan. Di ko alam kung anong point ng pinagsasabi ko ngayon. Sensya na.

Haba na nito. Gumagawa ako ng project ngayon para sa Spanish class ko kaya ko lang naisipan magblog. Inaantok na kasi ako. Hay.

Sana after nito, sipagin uli ako.

Sunday, January 09, 2005

:)

Wala lang. Tinatamad ako magblog. Baka andyan pa kasi si istoker. Pero buhay pa ako. BInibisita ko pa rin kayo. :) Hehe.

Bisitahin nyo rin si Bob kasi blogger na rin uli sya. :)

Saka na lang uli.